MUNTING HANDOG NA TSINELAS PARA SA KABATAANG MAG-AARAL NG SO. BULOK-BULOKAN

TINGNAN: MUNTING HANDOG NA TSINELAS PARA SA KABATAANG MAG-AARAL NG SO. BULOK-BULOKAN SA ILALIM NG PROGRAMANG MALASAKIT NI MAYOR V PINAMAHAGI!
Nito lang Nobyembre 11, 2022 nanguna ang ating abang lingkod Mayor V kasama ang kanyang Sangguniang bayan Members sa pamamahagi ng 100 pares na tsinelas sa ating mga kabataang mag-aaral ng Sitio Bulok-Bulokan .
Layunin ng programang malasakit ni Mayor V sa kagustuhan nitong mabigyan ng maayos at matibay na tsinelas ang ating mga mag-aaral na katutubo sa kanilang araw-araw napagpasok sa eskwelahan. Nasilayan ni Mayor V ang kagalakan ng mga mag-aaral sa bagong tsinelas na natanggap ng bawat isa dahil sa dala nitong pag-asa sa kanilang tatahaking pangarap at mapabuti ang buhay sa hinaharap.
Patuloy ang aktibong pananaw na maipadama ang tunay na serbisyo at kalinga ng administrasyong De Vera para sa pag abante ng bayan at mamamayan.
#tsenilasparasapangarap
#programangmalasakit
#abanteculion

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan