Skip to main content

Nakataas ang #GaleWarning sa Palawan kasama ang Calamian Islands

PABATID!
Base sa inilabas ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, Araw ng Biyernes, December 23, 2022. Nakataas ang #GaleWarning sa Palawan kasama ang Calamian Islands.
Dahil dito, isinailalim pa rin ang Calamian area kasama ang bayan ng Culion sa “No Sail Policy” para sa mga sasakyang pandagat na umaabot sa 250 gross tonnage pababa.
Ang lahat ng ating mga kababayan ay inaabisuhan na pansamantala po munang ipinagbabawal ang pangingisda at paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat para na rin sa inyong kaligtasan at seguridad.
Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon para sa kaligtasan ng bawat isa!
#PCGcoron
#PCGculion sub-station
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan