Skip to main content

Nakataas ang #GaleWarning sa Palawan kasama ang Calamian Islands

PABATID!
Base sa inilabas ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, Araw ng Lunes, December 19, 2022. Nakataas ang #GaleWarning sa Palawan kasama ang Calamian Islands.
Ngayong umaga ang Philippine Coast Guard ay nagdeklara na po ng “NO SAIL POLICY”!
Dahil dito ang lahat ng ating mga kababayan ay inaabisuhan na pansamantala po munang ipinagbabawal ang pangingisda at paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat.
Inaasahan po namin ang inyong kooperasyon para sa kaligtasan ng bawat isa!
“Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anumang insidente o hindi kanais-nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay-alam agad sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE”
MDRRM Hotline
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan