Nakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Culion ng 100 Sakong Bigas, Provincial Social Pension para sa 50 nating Indigent Senior Citizens at mga Ulilang PWDs

Nitong linggo, ika-10 ng Mayo taong 2020 ay nakatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng Culion ng 100 sakong bigas mula sa Provincial Government of Palawan (PGP) kasama ang Provincial Social Pension para sa limampu (50) nating indigent senior citizens at mga ulilang PWDs. Kasabay din nito ang dalawang libong (2000) karton ng food packs na galing naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang ipamahagi sa mga pamilyang naninirahan sa bayan.

Lubos na pinasasalamatan ni Mayor Ma. Virginia Nakachi De Vera ang tanggapan ng DSWD at PGP lalong-lalo na sa ating mahal na Gobernador Hon. Jose Chaves Alvarez sa mga tulong na ating natanggap para sa mga apektadong mamamayan ng Culion dahil sa banta ng seryosong sakit na COVID-19.

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!