Skip to main content

Narito ang Lagay ng ating Panahon Ngayong Araw ng Sabado, October 28, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Sabado, October 28, 2023
SYNOPSIS: Base sa latest satellite image na inilabas ng PAG-ASA, patuloy na minomonitor ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng PAR na tinatayang sa 2000km East of Mindanao (5.0°N, 143.6°E). Nananatiling maliit ang tsansa na ito ay maging bagyo. Samantala, ang Northeast monsoon o hanging amihan ang umiiral sa buong luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang Hilagang-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan