Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Biyernes, January 12, 2024

SYNOPSIS: Base sa latest satellite image, patuloy pa ring umiiral ang shearline sa Silangang bahagi ng Southern Luzon, na kung saan magdadala pa rin ng mataas na tsansa ng pag ulan, pag kulog at kidlat. Samantala ang Northeast monsoon o hanging amihan ay patuloy na nagdadala ng malamig na panahon na nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.

PAGTAYA:
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Shear Line.
Ang natitirang bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Easterlies / Localized Thunderstorms.
Ang Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Malakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa Silangang bahagi ng Visayas na may maalon na karagatan. Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, sa Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.

MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )

Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan