Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Huwebes January 25, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Huwebes January 25, 2024.

PAGTAYA:
Ang Aklan at Capiz ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, o pagkidlat at pagkulog dulot ng Shear Line. Ang nalalabing bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan, o pagkidlat at pagkulog dulot ng Amihan / Localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.

MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0969-284-2343(Smart)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan