Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Linggo, September 4, 2022

Magandang Araw Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Linggo, September 4, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayon ng
REGIONAL WEATHER FORECAST
Issued at: 5:00 AM, 04 September 2022
Valid Beginning: 5:00 AM today until 5:00 AM tomorrow
Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat at pagkulog dulot ng Trough ng bagyo/Habagat. Ang buong bahagi ng Visayas at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-silangan hanggang sa Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan