Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Lunes, January 15, 2024.

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Lunes, January 15, 2024.
SYNOPSIS: Base sa latest satellite image, patuloy pa rin ang pag iral ng Northeast monsoon (hanging amihan) partikular na sa may Luzon at malaking bahagi ng kabisayaan. Habang ang shearline (banggan ng mainit at malamig na hangin) ang syang nakakaapekto partikular na sa Silangang bahagi ng Visayas at Silangang bahagi ng Mindanao.

PAGTAYA:
Ang Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Shear Line.
Ang Central Visayas at ang nalalabing bahagi ng Eastern Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Shearline / Localized Thunderstorms.

Ang Western Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.

MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan