Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Martes, January 30, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Martes, January 30, 2024.
SYNOPSIS: Base sa latest satellite image, patuloy pa ring mararanasan ang epekto ng Northeast Monsoon o amihan sa bahagi ng Luzon at Visayas kung saan dala pa rin nito ang malamig na panahon lalo na sa madaling araw.

PAGTAYA:
Ang Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na mga pag-ulan at pagkidlat at
pagkulog dulot ng Trough ng LPA.

Ang nalalabing bahagi ng Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. Ang nalalabing bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.

MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart- )

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan