Skip to main content

Narito ang latest na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Araw ng Martes, September 05, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
SYNOPSIS: Kaninang madaling araw ay namataan ang sentro ng mata ng isang Tropical Depression ay tinatantyang namataan sa 915 km Silangan ng Extreme Northern Luzon (21.3°N, 130.7°E) na may maximum sustained winds na 150kmh malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 45kmh. Kumikilos ito Pahilaga sa bilis na 50kmh. Samantala patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon sa bansa.
PAGTAYA:
Ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot / occasional rains dulot ng Habagat.
Ang buong Visayas ay makakaranas bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Habagat / Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-Kanluran hanggang sa Hilagang Kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng Visayas na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan