Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong Araw ng miyerkules, February 15, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong Araw ng miyerkules, February 15, 2023.
REGIONAL WEATHER FORECAST
Issued at: 5:00 AM, 15 February 2023
Valid Beginning: 5:00 AM today until 5:00 AM tomorrow
SYNOPSIS: Trough ng Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto sa Visayas at Mindanao. Amihan naman Ang nakakaapekto sa bahagi ng Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas at Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Trough ng LPA. Ang Occidental Mindoro at Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan