Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Myerkules, January 31, 2024

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong araw ng Myerkules, January 31, 2024

PAGTAYA:
Ang Central Visayas, Biliran, Samar, Eastern Samar, at Southern Leyte ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na mga pag-ulan at pagkidlat at
pagkulog dulot ng Trough ng LPA.

Ang nalalabing bahagi ng Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Ang nalalabing bahagi ng Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.

Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.

MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0969-284-2343(Smart)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan