Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Araw ng Sabado, August 12, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
SYNOPSIS: Ang Southwest Monsoon o habagat ay patuloy pa ring umiiral at nakakaapekto sa buong bansa.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat. Ang Palawan kasama ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating
MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343(Smart-CERU)
Ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan