Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Umaga Araw ng Biyernes August 25, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Biyernes August 25,2023.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayon, ang sentro ng Tropical Storm “GORING” {SAOLA} ay tinatantya batay sa lahat ng available na data sa 220 km East Southeast ng Basco, Batanes (19.9°N, 124.0°E) na may maximum sustained winds na 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h. Ito ay gumagalaw sa Timog-kanluran. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng medyo maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat.
Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Timog hanggang Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart-CERU)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan