Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Biyernes, February 10, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Biyernes, February 10, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ay kasalukuyan at patuloy ang pag iral ng Northeast Monsoon o Amihan na nakakaapekto sa Luzon.
Ang buong Visayas at ang Southern Palawan ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms. Ang natitirang bahagi nang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa silangang bahagi ng Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan