Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Biyernes, January 13, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Biyernes, January 13, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area ay namataan sa layong 140 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur (8.2N, 127. 6E). Samatala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Northern at Central Luzon.
Ang Eastern at Central Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakan na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA. Ang natitirang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA/Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Timog-Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas samantalang mula naman sa Hilagang-silangan hanggang sa Silangan ang iiral sa Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan