Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Biyernes, September 9, 2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Biyernes, September 09, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 3:00 ng umaga ng PAG-ASA ang centro ng bagyong “INDAY” (MUIFA) ay namataan sa layong 865km East ng Central Luzon(17.2N, 130.2E) may lakas ng hangin umaabot sa 85 km/h at bugso ng hangin umaabot ng 105 km/h. Itoy kumikilo sa direction West Northwestward.
Ang Panay Island, Samar Province at Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Tropical Storm “INDAY” ang natitirang bahagi ng Visayas at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog hanggang sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan