
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Byernes January 27, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Byernes January 27, 2023.
SYNOPSIS: Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang Eastern Visayas, Aklan at Capiz, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Shear Line. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized thunderstorm. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa