
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Byernes September 2,2022
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Byernes September 2,2022.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayon, ang sentro ng mata ng Bagyong “HENRY” {HINNAMNOR} ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa 390 km East Northeast ng Itbayat, Batanes (21.3°N, 125.6°E) na may maximum sustained hangin na 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 km/h. Ito ay halos nakatigil. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa western sections ng Central at Southern Luzon.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Trough ni STY Henry / Habagat. Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog hanggang sa Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)