Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, December 29, 2022

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, December 29, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa layong 100km Southeast ng Guiuan, Eastern Samar (10.5N, 126.6E). Samantala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang Eastern at Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA. Ang Central Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Trough ng LPA / Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilagang-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan