
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Huwebes February 14, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Huwebes February 14, 2023.
SYNOPSIS: Trough of Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto sa Mindanao. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Trough ng LPA. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. Ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa silangang bahagi ng Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa