Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, February 16, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, February 16, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 3:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa layong 750 km East ng Hinatuan, Surigao del Sur (7.5°N 133.1°E). Samantala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
Ang buong bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan