Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Huwebes February 23, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Huwebes February 23, 2023.
SYNOPSIS: Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa silangang bahagi nang Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahihina hanggang sa katamtaman na hangin na mula sa Hilagang-silangan iiral sa natitirang bahagi ng Visayas at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan