
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, February 9, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, February 9, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ay kasalukuyan at patuloy ang pag iral ng Northeast Monsoon sa bahagi Luzon.
Ang Western Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pag-ulan dulot ng Amihan. Ang natitirang bahagi nang Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa silangang bahagi ng Visayas na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa katamtaman na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa