Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng huwebes January 12, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng huwebes January 12, 2023.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayong araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa 380 km East ng Surigao City, Surigao del Norte (9.1°N, 128.9°E). Shear line na nakakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
PAGTATAYA:
Ang Buong Visayas ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa LPA/Shearline. Ang Occidental Mindoro, at Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan hanggang sa hilagang-kanluran ang iiral sa Visayas habang mula sa hilagang-silangan hanggang sa silangan ang iiral sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan