
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, January 19, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Huwebes, January 19, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Shear line ang nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon at Visayas. Samanta ang Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa ibang bahagi ng Luzon.
Ang Aklan, Capiz, at Northern Samar ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Shearline. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Shearline/localized thunderstorms. At ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)