Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Umaga Araw ng Linggo | August 13,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!

SYNOPSIS: Southwest Monsoon na nakakaapekto sa bansa.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas at Hilagang bahagi ng Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat. Ang natitirang bahagi ng Palawan kasama ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahina hanggang sa Katamtaman na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa buong Visayas na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon sa karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan