Skip to main content

Narito ang Latest na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Umaga Araw ng Linggo August 27,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!

SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayon, ang sentro ng mata ng Super Typhoon “GORING” {SAOLA} ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa baybayin ng Palanan, Isabela (17.1°N, 123.0°E) na may maximum sustained hangin na 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 km/h. Mabagal itong gumagalaw sa Timog Timog-Kanluran. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
PAGTAYA:
Ang Western Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat. Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulo na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat/localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Kanluran hanggang sa Timog-Kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart-CERU)
ctto: Dost_pagasa

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan