Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Linggo December 25, 2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Linggo December 25, 2022.
SYNOPSIS: Shearline na nakakaapekto sa Visayas. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTATAYA:
Ang Silangang Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Camiguin, at Southern Palawan ay magkakaroon ng Maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shearline.
Ang natitirang bahagi ng Visayas, ZamboangaPeninsula, ang natitirang bahagi ng Northern Mindanao, at ang nalalabing bahagi ng Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shearline.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Katamtaman-Malakas na hangin mula sa NE ang iiral sa Luzon, Visayas, at silangang bahagi ng Mindanao na may katamtaman-maalon na karagatan (2.5-5.0m).
Mahina-katamtamang hangin mula NE-N ang iiral sa natitirang bahagi ng Mindanao na may bahagyang katamtamang pag-alon ng karagatan(0.6-2.5m).
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan