Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Linggo January 15, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Linggo January 15, 2023.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayong araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa 80 km Northeast ng Surigao City, Surigao del Norte o 125 km East ng Maasin City, Southern Leyte (10.3°N, 126.0 °E).
PAGTAYA:
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakan na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA. Ang natitirang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA.
Mahina hanggang sa Katamtaman na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilagang-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtaman na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan