Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Linggo, January 22, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Linggo, January 22, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Trough ng Low Pressure Area (LPA) ang nakakaapekto sa Mindanao. Samantala ang Shear Line ang nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon at Visayas.
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Shear Line. Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng mga localized thunderstorms. Ang Occidental Mindoro at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Island ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan