
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Linggo, January 29, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Linggo, January 29, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Shear Line. Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized thunderstorm. Ang Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa