
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, December 26, 2022
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, December 26, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Shear Line ang nakakaapekto sa Visyas. Samatala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang silangang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang sa malawakan na pag-ulan, pagkidlat-pagkulog dulot ng Shearline. Ang nalalabing bahagi ng Visayas at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan pagkidlat-pagkulog dulot ng Shearline. At ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Malaas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visyas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)