Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, January 16, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, January 16, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area na namataan sa layong 290 km East ng Maasin City, Southern Leyte (10.5°N, 127.5°E) ay malayo na maging isang ganap na bagyo. Samatala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Northern Luzon. Samantala ay may isa pang bagong LPA na namataan sa layong 125km West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan (10.2°N, 117.7°E). Gayunpaman patuloy pa rin ang pag iral ng Northeast Monsoon o hanging amihan na nakakaapekto sa Luzon.
Ang Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA / Shear Line.
Ang buong Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo pulong mga pag-ulan o pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilagang-kanluran ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan