Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, January 23, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Lunes, January 23, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA meron tayong binabantayan na LOW PRESSURE AREA (LPA) na huling namataan sa layong 495 km East Southeast ng Davao City (5.4°N, 129.8°E). Samantala ang Northeast Monsoon o Amihan ang nakakaapekto sa buong Luzon.
Ang buong Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Trough of LPA. Ang Occidental Mindoro at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Island ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan