Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Lunes January 9, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Lunes January 9, 2023.
SYNOPSIS: Trough of Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTATAYA:
Ang Buong Visayas at ang katimugang bahagi ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng LPA. Ang natitirang bahagi ng Palawan at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang Hilaga ang iiral sa Visayas habang mula Hilagang-silangan hanggang Silangan ang iiral sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan