Skip to main content

Narito ang Latest Na Lagay ng Ating Panahon Ngayong Umaga Araw ng Martes August 01,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayon, ang sentro ng mata ng Bagyong “FALCON” {KHANUN} ay tinatantya batay sa lahat ng available na data sa 930 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon (24.2°N, 130.1°E) na may maximum sustained hangin na 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 km/h. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
PAGTAYA:
Ang Occidental ay makakaranas ng mga pag-ulan dahil sa Habagat.
Ang Antique at ang Palawan kasama na Kalayaan Islands ay makakaranas ng medyo maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulo-pulo hanggang sa kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Habagat.
Ang natitirang bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulo-pulong na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Habagat/Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-kanluran ang iiral sa Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan