Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, December 20, 2022

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, December 20, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Shear Line ang nakakaapekto sa eastern section ng Southern Luzon. Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa ibang bahagi ng Luzon.
Ang Eastern Visayas at Central Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat-pagkulog dulot ng Shear Line/Trough nf LPA.
Ang natitirang bahagi ng Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Timog-silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggabg sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan