Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes, February 21, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes, February 21, 2023.
Base sa inilabas ng PAG-ASA kanina 3:00 ng umaga, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataan sa layong 340 km East Northeast of Casiguran, Aurora o 345 km East of Tuguegarao City, Cagayan (17.6°N, 125.0°E). Amihan ang nakakaapekto sa Northern Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Localized Thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan. Mahihina hanggang sa katamtaman na hangin na mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Timog-silangan iiral sa buong Visayas at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan