
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, February 7, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, February 7, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA, kasalukuyang ang Easterlies(hangin mula sa karagatang pacifico) ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa. Magdadala ito ng pulo-pulong pag ulan, kidlat at kulog lalo sa eastern section ng bansa.
Ang buong Visayas, ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto: Dost_pagasa