
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, January 10, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, January 10, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area ay namataan sa layong 750 km East ng Davao City (5.9N, 131.9E). Samatala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang buong Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA. Ang Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang sa Hilaga ang iiral sa buong Visayas samantalang mula naman sa Hilagang-silangan hanggang sa Silangan ang iiral sa Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)