
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes January 24, 2023
Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes January 24, 2023.
SYNOPSIS: Sa 3:00 AM ngayong araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinantya batay sa lahat ng available na data sa 280 km Southeast ng Davao City (5.3°N, 127.4°E). Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon at Visayas.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa