Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes January 3, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes January 3, 2023.
SYNOPSIS: Trough of Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao. Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTATAYA:
Ang Visayas, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Trough ng LPA.
Ang Metro Manila, CALABARZON, Cagayan Valley, Aurora, at Bicol Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Trough ng LPA / Localized Thunderstorms
Katamtaman-Malakas na hangin mula sa NE ang iiral sa Luzon na may katamtaman-maalon na karagatan (1.2-4.0m). Katamtaman-Malakas na hangin mula sa East-NE ang iiral sa Visayas at Mindanao na may katamtaman-maalon na karagatan (1.2-3.0m).
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan