Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, January 31, 2023

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Martes, January 31, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Shear Line ang nakakaapekto sa Visayas at eastern section ng Mindanao. Samantala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang Eastern at Central Visayas at ang timog na bahagi ng Palawan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Shear Line / trough ng LPA. Ang nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms/Shearline. Ang nalalabing bahagi ng Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan