Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes March 7, 2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!

SYNOPSIS: Northeast Monsoon na nakakaapekto sa Luzon.
PAGTAYA:
Ang Eastern Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Shear Line. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan. At ang natitirang bahagi ng Visayas at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Island ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, o pagkidlat, at pagkulog dulot ng localized thunderstorms.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan hanggang ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
ctto:Dost_pagasa
Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan