Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes October 17,2023

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes October 17,2023.
SYNOPSIS: Northeasterly Surface Windflow na nakakaapekto sa Northern Luzon.
PAGTAYA:
Ang buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng Northeasterly Surface Windflow / Localized Thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Hilagang-Silangan hanggang Timog-Silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama ang Kalayaan Islands, at Occidental Mindoro na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)
0969-284-2343 (Smart-CERU)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan