Skip to main content

Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes, September 6, 2022

Magandang Umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga araw ng Martes, September 06, 2022.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Southwest Monsoon ang nakakaapekto sa western section ng Northern at Central Luzon.
Ang kanlurang bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat/ITCZ. Ang natitirang bahaginng Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Habagat/localized thunderstorms.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Timog-kanluran hanggang sa Timog-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro at ang karagatan ay may banayad hanggang sa katamtaman na mga pag-alon.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan