Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Miyerkule, December 21, 2022

Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Miyerkule, December 21, 2022.
Base sa inilabas na ulat ng PAG-ASA; kaninang 3:00 AM ngayong araw, ang Low Pressure Area (LPA) ay namataang sa 210 km East Northeast ng Davao City (7.6°N, 127.5°E). Samantala ang Shear Line naman nakakaapekto sa Silangang bahagi ng Southern Luzon. At Northeast Monsoon naman ang nakakaapekto sa natitirang bahagi ng Luzon.
Ang Eastern Visayas at ang Central Visayas ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng Shear Line / LPA. Ang Western Visayas ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog dulot ng trough ng LPA / localized thunderstorms. Ang Palawan, kasama na ang Kalayaan Islands, at ang Occidental Mindoro ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga mahihinang pag-ulan dulot ng Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Hilagang-silangan ang iiral sa Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)

Our Trusted Supporters

Copyright © 2018. Municipality of Culion, Province of Palawan. All rights reserved.

Powered By:

Official Website of Culion Municipality, Province of Palawan