
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Miyerkules, January 04, 2023
Magandang umaga Bayan ng Culion!
Narito ang latest na lagay ng ating panahon ngayong umaga, araw ng Miyerkules, January 04, 2023.
Base sa inilabas na ulat ngayong 5:00 ng umaga ng PAG-ASA ang Low Pressure Area ay namataan sa layong 195 km South ng Puerto Princesa City, Palawan(8.0N, 118.9E). Samatala Northeast Monsoon ang nakakaapekto sa Luzon.
Ang buong Visayas at ang Palawan kasama na ang Kalayaan Islands ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog dulot ng LPA. Ang Occidental Mindoro ay makakaranas nang mauulap na papawirin na may kasamang mga ulan dulot nang Amihan.
Katamtaman hanggang sa malalakas na hangin mula sa Silangan hanggang sa Hilagang-silangan ang iiral sa buong Visayas, Palawan kasama na ang Kalayaan Islands, at sa Occidental Mindoro na may katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.
Ibayong pag-iingat ang iminumungkahi sa ating mga kababayan. Anu mang insidente o hindi kanais nais na pangyayari sa inyong lugar ay maari po lamang ipagbigay alam sa ating MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE.
MDRRM HOTLINE
0967-396-9828 (Globe)
0999-705-1595 (Smart)